Meeeeeeeeđź’–

Hello!! Magandang araw! Syempre ang gagamitin ko pong wika ay sarili nating wika HAHAHA

29495953_1613360738779881_2393387950378319872_n

Ako po si Ma.Renalyn D. Cortes, Labing-anim na taon ng nabubuhay sa mundong ibabaw. at meron akong gwapong papa at magandang mama at makulit na kapatid. Ito po ang  pamilya namin Dayoc & Cortes Family

_20180317_102242

Mahilig nga po pala ako sa Bituin, Gustong-Gusto ko po silang pinapanood tuwing sasapit ang gabi dahil napakaganda po ng mga bituin sa kalangitan

download

Meron din po akong iniidolo, Magaling po silang kumanta at sumayaw, ang isa po ay si CHRISTOPHER MAURICE BROWN (Chris Brown)

cb-bape.jpg

at ang isa po ay si DARYL BORJA RUIZ (Skusta Clee)

DexS6F0UEAA1jm8.jpg

Parehas po silang Rapper đź’–

Meron nga po pala akong gustong ibahagi sa inyo na isa sa mga sinulat ko, hindi ko po alam kung anong klase yung sinulat ko basta po nasulat ko na lang, sana po magustuhan nyo

Dahil Sayođź’”

Nagsimula tayong hindi kilala ang isa’t-isa

at habang tumatagal tayo’y nagkakamabutihan na

at hindi ko namamalayan na ako’y napapamahal na

Napamahal na ako sa’yo! OO! Mahal na kita

at sa’yo ko lang ito naramdaman

at ito’y inamin ko sa’yo

ngunit noong inamin ko sa’yo ang nararamdaman ko?

Nagbago ang lahat, Nawala ka na lang bigla.

at nalaman ko na lang na meron kang ibang mahal

pero yung mahal mo? Hindi ka mahal!

Bakit hindi na lang kasi ako?! Mahal kita!

Hindi kita iiwan! Hindi kita sasaktan! 

Hindi katulad ng ginawa nya!

Ako na lang kasi? Huwag na siya

Sa akin? Magiging masaya ka! Sa kanya? Iiyak ka lang!

pero wala na akong magawa

Mahal mo talaga siya

kaya ngayon? Pinipilit na kitang kalimutan 

kahit alam kong Hindi ko kaya! Hindi ko kaya!

pero kalimutan ka ang paraan para mawala ang sakit na aking nararamdaman!

Hanggang ngayon? Ikaw pa rin talaga 

pero gagawin ko ang lahat, makalimutan ka lang

kung kailangan ko ng ipapalit tong puso ko, para mawala na tong nararamdaman ko sa’yo?

Gagawin ko! Makalimutan lang kita! Mawala lang ang Sakit

Dahil nasaktan mo ako ng Sobra.

Sana po ay nagustuhan nyođź’•

Leave a comment